其他語文內容
Ang Nilalaman na nasa Ibang mga Wika
Ang Nilalaman na nasa Ibang mga Wika
以菲律賓文提供的資訊
香港房屋委員會/房屋署網站的菲律賓文版本只選取部分重要資訊。要查閱我們網站的全部資訊,可瀏覽英文版、繁體中文版或簡體中文版。
Impormasyon sa wikang Tagalog
Ang bersyong (Hindi / Nepali / Urdu / Bahasa Indonesia / Tagalog / Thai / Punjabi / Vietnamse) ng Website ng Hong Kong Housing Authority / Kagawaran ng Pabahay ay naglalaman ng mga piling mahahalagang impormasyon lamang. Maaari mong makita ang buong nilalaman ng aming website sa wikang Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.
Impormasyon para sa mga Aplikante ng Pampublikong Paupahang Pabahay (PRH)
Upang maging karapat-dapat sa PRH, dapat na matugunan ang mga pangkalahatang pamantayan sa pagiging karapat-dapat. Sa matagumpay na pagpaparehistro sa mga aplikasyon para sa PRH at nakumpirmang pumasa sa detalyadong pagsusuri, ang mga karapat-dapat na aplikante ay aalukin ng pabahay ayon sa pagkakasunud-sunod ng petsa ng pagpaparehistro/ Petsa Katumbas ng G-numero (kung mayroon) ng mga aplikasyon o batay sa mga puntos na kanilang nakuha sa ilalim ng Sistema sa Puntos at Kota.
Para sa mga detalye, mangyaring pindutin ang link sa ibaba.
Aplikasyon para sa Pampublikong Paupahang Pabahay (PDF)
Sampol ng Nakumpletong Application Form para sa PRH (PDF)
Impormasyon para sa mga Nangungupahan sa Pampublikong Pabahay
1. Panukala sa Pagmarka para sa Pagpapatupad ng Pamamahala ng Estate
Upang mapabuti ang kalinisan ng kapaligiran at mapahusay ang pamamahala ng ating mga estate, kami ay nagpatupad ng isang Panukala sa Pagmarka. Ang mga nangungupahan na magsasagawa ng mga tinukoy na maling gawain ay bibigyan ng mga puntos sa multa. Ang mga sambahayan na may dalang anumang wastong puntos ay pagbabawalan sa pag-apply ng anumang uri ng boluntaryong paglipat. Kapag nakaipon ng 16 na puntos sa loob ng dalawang taon, ang kasunduan ng paupahan ay maaaring wakasan.
Para sa mga detalye, mangyaring pindutin ang link sa ibaba.
Panukalang Pagmamarka para sa Pagpapatupad ng Pamamahala ng Estate (PDF)
2. Panukala para sa Tulong sa Upa
Ang aming Panukala para sa Tulong sa Upa ay naglalayong alalayan ang mga nangungupahan sa mga pampublikong paupahang pabahay na kasalukuyang nakakaranas ng pansamantalang kahirapang pinansyal. Ang mga karapat-dapat na sambahayan ay mabibigyan ng alinman sa 25% o 50% na bawas sa upa depende sa kanilang pinansyal na kalagayan.
Para sa mga detalye, mangyaring pindutin ang link sa ibaba.
Panukala para sa Tulong sa Upa (PDF)
3. Mga Pagbabago sa Sambahayan
Ang isang pampublikong paupahang pabahay ay dapat na okupado lamang ng nangungupahan at ng mga miyembro ng kanyang pamilya na nakalista sa kasunduan ng pangungupahan. Ang mga nangungupahan ay kinakailangan na ipagbigay-alam kaagad sa Kagawaran ng Pabahay ang mga pagbabago sa detalye ng kanilang sambahayan at gumawa ng kaugnay na mga aplikasyon ayon sa umiiral na mga patakaran at pamamaraan.
Para sa mga detalye, mangyaring pindutin ang link sa ibaba.
Pagdagdag ng mga Miyembro ng Pamilya (PDF)
Pagtanggal ng mga Miyembro ng Pamilya (PDF)
4. Deklarasyon ng Kita at Ari-arian
Ang mga sambahayan na naninirahan sa pampublikong paupahang pabahay sa loob ng 10 taon ay kinakailangang gumawa ng isang deklarasyon alinsunod sa “Mga Patakaran para sa May-kayang Nangungupahan” bawat dalawang taon. Gayundin ang mga sambahayan na pinagkalooban ng bagong pangungupahan sa ilalim ng Patakaran sa Pagbigay ng Bagong Pangungupahan at mga sambahayan na may mga aplikasyon sa ilalim ng Mga patakaran sa Pamamahala ng Pangungupahan para sa aprubadong Pampublikong Paupahang Pabahay anuman ang haba ng kanilang paninirahan. Simula Oktubre 2023, ang mga nangungupahan ng PRH at lahat ng miyembro ng mga sambahayan ay kinakailangang magdeklara sa Awtoridad ng Pabahay (HA) bawat dalawang taon sa pagmamay-aring tirahan sa Hong Kong mula nang matanggap sa PRH.
Para sa mga detalye, mangyaring pindutin ang link sa ibaba.
Mga Patakaran para sa May-kayang Nangungupahan (PDF)
Para sa mga taong magkakaiba ang lahi na nangangailangan ng suportang interpretasyon kung gagawa ng katanungan, reklamo o nais humingi ng tulong mula sa HA sa mga bagay na may kaugnayan sa mga serbisyo sa pampublikong pabahay, sila ay maaaring:
tumawag sa hotline ng Serbisyong Interpretasyong Pantelepono (TELIS) na pinamamahalaan ng Sentro Para sa Etniko Minorya (CHEER) (URL ng CHEER: https://hkcscheer.net/hk/), na nagbibigay ng walang bayad na serbisyong interpretasyong pantelepono, at pagkatapos ay hilingin sa interpreter na magsagawa ng conference call sa hotline ng HA sa 2712 2712. Ang sumusunod ay ang mga numerong hotline ng CHEER:
Mga Hotline ng TELIS | Wika |
---|---|
3755 6811
|
Bahasa Indonesia
|
3755 6822
|
Nepali
|
3755 6833
|
Urdu
|
3755 6844
|
Punjabi
|
3755 6855
|
Tagalog
|
3755 6866
|
Thai
|
3755 6877
|
Hindi
|
3755 6888
|
Vietnamese
|